Project Floridablanca: A Colorful Journey to the Community of Aeta in Pampanga
Last October 23, 2017, Color Your Life (CYL) prepared art activities to the Aeta children in Sitio Camachile, Barangay Nabulkod, Floridablanca, Pampanga. The Aeta community in the Philippines is one of the biggest ethnolinguistic groups who lives in some isolated mountainous parts of Luzon.

The project, entitled #ProjectFloridablanca, had 50 participants (ages 4-12 years old). The Crayons conducted the usual art activities such as “Color By Number”- individual art activity and “Color Your Lives”- collaborative art activity. As an ice breaker and feel-good vibes to start the day, the kids enjoyed CYL’s prepared action songs—Ako ay May Lobo, Takure and the infamous dance craze, Baby Shark. Included in our project is the usual storytelling, led by one of the Crayons, which enables us to teach basic colors to the kids, and can also feed them moral lessons from “Nang Magkakulay and Nayon” at an early age.




These children are creative, smart and very orderly. The Color Your Life supports the Aeta community through the use of Art. We dream that someday, the team can go back to Sitio Camachile to build activities that can help them explore their artistic talents.



If you wish to help our movement or to lend your time to become a volunteer on our next projects, you may contact us through coloryourlifeproject@gmail.com, Louie (0917-150-6002) or Sam (0917-304-7551) or give us a wave at our Facebook Page..
FILIPINO VERSION
Project Floridablanca: Isang Makulay na Paglalakbay sa Komunidad ng mga Aeta sa Pampanga
Noong Oktubre 23, 2017, ang Color Your Life (CYL) ay naghanda ng mga gawaing pangsining para sa mga batang kasapi ng isang komunidad ng Aeta sa Sitio Camachile, Brgy. Nabuklod, Floridablanca, Pamapanga.
Ang mga Aeta sa Pilipinas, isa sa may pinakamalaking bilang ng miyembro na etnolinggwistikong grupo sa bansa, ay matatagpuan sa iba’t ibang bulubunduking lugar. Sa probinsya ng Pampanga, ang mga Aeta ay nakatira sa munisipalidad ng Floridablanca, Porac, Guagua, at Angeles.
Ang proyektong ito ng CYL, na pinangalanang Project Floridablanca, ay dinaluhan ng limapung bata na may edad apat hanggang labingdalawa. Ito ay binuo at isinagawa upang magkaroon ng pangunahing kaalaman ang mga bata sa pangunahing kulay. Sapagkat naniniwala ang grupo na kailangang mabigyang-diin ang pagtuturo ng pagkukulay sa mga bata at pagmumulat sa kanila sa larangan ng sining na maaaring makakatulong sa paglaki ng isang bata, minabuti ng grupo na piliin ang Sitio Camachile sapagkat ang komunidad na mayroon dito, batay sa heyograpikal na tangi ng lugar, ay malayo sa bayan na siyang pumipigil sa mga salik sa pagkatuto sa paaralan. Kaunti lang din ang mga nagbibigay ng alternatibong pagtuturo sa komunidad na ito. Dagdag pa, patuloy pa ring lumalaban ang pambansang minorya laban sa kahirapan:
“Bilang espesyal na sektor sa lipunan, nahaharap din ang pambansang minorya sa piyudal na di pagkakapantay-pantay, kurakot at represibong gobyerno, at dominasyon ng dayuhan – pero may natatangi sa kanilang paghihirap na nararanasan nila bilang katutubong mga lahi .Ang pambansang minorya ay mga mamamayang mardyinalisadong sa ekonomiya, pulitika, at panlipunan sa Pilipinas. May mahabang kasaysayan ng pamumuhay a kanilang lupaing ansestral, binubuo nila ang 15 hanggang 20 porsiyento ng populasyon ng bansa.”[1]
Ang mga gawaing itinampok sa Project Floridablanca ay pagkukulay gamit ang Color By Number sheet (indibidwal na gawain) na inihanda ng CYL at malayang pagguhit sa isang blangkong kartolina (pangkat na gawain). Nagkaroon din ng pagtuturo ng action songs (Ako ay May Lobo, Takure at Baby Shark) upang ganahan ang mga bata bago magsimula ang pagkukulay. Kasama rin sa prokeytong ito ang pagkukwento sa mga bata ng isang istorya na pinamagatang “Nang Magkakulay ang Nayon” upang ang mga batang hindi pa nagsisimulang mag-aral ay magkaroon ng kaalaman sa mga pangunahing kulay na itinuturo sa mga paaralan.




Layunin ng Color Your Life na hikayatin ang mga bata, sa kanilang murang edad, na ipagpatuloy ang paggawa ng mga malikhaing gawain na maaaring makatulong sa pagbuo at paglinang ng kanilang kasanayan. Upang mas magkaroon ang mga bata ng pagganyak sa sining, ang CYL ay namigay ng start-up art kits na kanilang magagamit sa paglikha ng sining.






Ang Color Your Life ay binubuo ng mga kasapi mula sa lungsod ng Quezon na nagnanais makatulong sa mga bata, mula sa iba’t- ibang komunidad na kanilang pinupuntahan, upang magkaroon sila ng interes sa sining. Ang mga miyembro ng CYL ay sina Agnes Asido-Dayto, Raymart de Aza, Kevin del Prado, Julie Estabillo, Samantha Luz at Lourdes Navalta. Upang maisagawa ang Project Floridablanca, ang CYL ay may volunteers, na lubos pusong pinasasalamatan ng grupo, na tumulong upang magturo sa mga bata. Ang mga sumusunod ay sina: Joemar Brigado, Diazabel Reyes, Carlo Ting, Antonio A. Navalta II, Ann Lemeira Go at Ruel Carlos.









Ang mga batang Aeta ay malikhain, matalino magaling at masinop. Nais ng Color Your Life na masuportahan ang mga Aeta, sa tulong ng sining, para sa ikabubuti ng kanilang komunidad. Nangangarap ang grupo na makabalik sa Sitio Camachile upang bumuo pa ng mga proyektong makakatulong sa paglinang ng kanilang kagalingan sa sining.
Kung kayo man ay nagnanais na makatulong, magbigay ng donasyon, o gustong maging volunteer sa mga susunod pang mga proyekto ng Color Your Life, maaaring tawagan sina Lourdes Navalta (0917-150-6002) at Samantha Luz (0917-304-7551) o ‘di kaya’y magpadala ng mensahe sa coloryourlifeproject@gmail.com.
[1] Nakuha mula sa: “Lakbayan Mula sa Pambansang Minorya,” Pinoy Weekly, n.d.